Alam mo bang 15% sa isang bilyong manggagawa sa buong mundo ang engaged sa trabaho? Oo, 15% lang at imagine hindi man lang umabot atleast 50%. Nakakalungkot isipin na kahit anong ganda ng perks o ka-sexy ng sweldo hindi pa din sapat dahil may mga bagay na hinahanap ang mga workers ngayon na magandang dahilan para sila ay mag-stay at mag-thrive sa kanilang kompanyang pinapasukan.
Tulad mo mayroon pa din akong 9-5 day job at minsan-minsan naiisip ko din umalis sa trabaho dahil sa iba’t ibang personal reasons. Maaring iba ang rason mo kung bakit ka aalis sa trabaho mo ngayon ngunit bago mo gawin yan ito mo ang mga bagay na dapat mong malaman.
- Values – Does the Company Values align with your Values? Kunwari, the company says they value FUN but they don’t and hindi mo siya nakikita o na-eexperienced then probably the best time to shop around.
- Thrive – Can you still contribute more using the skill set that you have? Do you feel challenged and being pushed by your boss? Can you live with your highest potential at work? Kung “Hindi” lahat ng sagot mo, pwes magandang indication yan na you are not Growing sa professional life mo.
- Plan – Better to have a bad plan than no plan at all. Check where you at and what stage in life you are in. Kung ikaw ay single; walang ganong expenditures at utang then it’s ok to shop around and look for a job that you can use your skills and match with your Values. Kung ikaw naman ay may sariling pamilya; malaking expenses at may utang pang binabayaran then steady ka lang muna. Mas maganda na mabayaran mo muna ang utang mo at mag-ipon ng pambayad sa gastusin o bills sa bahay bago maghanap ng ibang trabaho. Trust me kung aalis ka sa trabaho at may utang at expenses ka pa, that’s the best recipe for disaster dahil anong gagawin mo sa bayarin at utang kung wala kang income at pambayad? Gusto mo bang di ka makatulog sa gabi dahil kakaisip kung san mo kukunin ang pangkain at pambayad mo ng bill collectors? Kaya mag-planong mabuti. Hindi naman kelangan perpekto ang plano ang mahalaga may plano.
Lahat tayo gusto ng trabahong we feel appreciated and use our gifts to share to the people around us and meant to serve. Imagine kung lahat passionate sa trabahong ginagawa natin baka dumating ang panahon na hindi lang talagang pera ang magpapatakbo sa mundong ginagalawan natin.